Sunday, September 30, 2012

AKO'Y ISANG TOMASINO

AKO'Y ISANG TOMASINO

QUADRICENTENNIAL SONG
1611-2011
BY GERARDO M. DE LEON






Nalagpasan mo ang mga pagsubok
Di mabilang na mga Bagyo
Kahit ilang baha man ang danasin
Kasaysayan mo'y hindi kayang anurin

Ang 'yong sahig, dingding, mga pintuan
Saksi sa 'yong dakilang nakaraan
Tinamnan ng tama puso't isipan
Mga bayaning sa silong mo ay nanahan

CHORUS

Nag-iisa ka lang
Pinagpalang pamantasan
Apat na siglo nang
Nagtuturo sa kabataan
Pagmamahal sa Diyos,
Karunungan may dangal
Ako's nagagalak matawag na
Isang Tomasino 

Ang ngalan mo'y hindi nadudungisan
Ilan mang siglo pa ang nagdaan
Dahil ang Diyos ika'y iniingatan
Tunay kang binasbasang paaralan

(REPEAT CHORUS)

Nagsisilbi sa kapwa
Naglilingkod sa bayan
Nagmamahal sa Diyos
May karunungan, may dangal
Ako'y nagagalak
Ako'y isang Tomasino!


VIDEO LINK  http://youtu.be/XwpLKoCd3cs   UST Symphony Orchestra


No comments:

Post a Comment